Mitolohiya ng Iceland
MITOLOHIYA NG ICELAND Panitikan: " Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante" ALAM MO BA? Ang MITOLOHIYA ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magtanong ang mga tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Mahalaga ang mitolohiya dahil nakapaloob dito ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon at kultura ng isang bansa at kapupulutan din ito ng aral. Ang blog na ito ay tumatalakay patungkol sa sa mitolohiya ng bansang Iceland. Ang Iceland ay kabilang sa mga lahing Nordic na matatagpuan sa Hilagang Europa. Ang mga Eskandinaba ay mga lahi na nagsasalita ng Germanic Languages (Norse) . Kabilang dito ang Sweden, Norway, Denmark, Finland, Greenland, Faroe Island at Iceland. Pinaniniwalaan na ang unang mga nanirahan sa Iceland noong ika-9 na siglo ay ...