Posts

Mitolohiya ng Iceland

Image
MITOLOHIYA NG ICELAND  Panitikan: " Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante"   ALAM MO BA?     Ang MITOLOHIYA  ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magtanong ang mga tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Mahalaga ang mitolohiya dahil nakapaloob dito ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon at kultura ng isang bansa at kapupulutan din ito ng aral.      Ang blog na ito ay tumatalakay patungkol sa sa mitolohiya ng bansang Iceland. Ang Iceland ay kabilang sa mga lahing Nordic na matatagpuan sa Hilagang Europa. Ang mga Eskandinaba ay mga lahi na nagsasalita ng Germanic Languages (Norse) . Kabilang dito ang Sweden, Norway, Denmark, Finland, Greenland, Faroe Island at Iceland. Pinaniniwalaan na ang unang mga nanirahan sa Iceland noong ika-9 na siglo ay ...

Dula: Sintahang Romeo at Juliet

Image
  DULA MULA SA ENGLAND Panitikan: "Sintahang Romeo at Juliet "      Kumusta mag-aaral? Binabati kita’t naging kawili-wili para sayo ang pagkatuto sa aking ibang blog na binuo. Ngayon, isa na namang kaalaman ang tiyak kong kalulugdan mong tutuklasin dahil sa mga kawili-wiling paksang nakapaloob sa blog na ito.      Ito ay tatalakayin natin ang "Uri ng Dula Ayon sa Anyo at Elemento ng Dulang Pantanghalan"  at alamin ang isa sa mga halimbawa ng dula ang  "Sintahang Romeo at Juliet" na nagmula pa sa bansang Englater a . ALAM MO BA?      Ang DULA ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawain o kilos. A yon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita dito ang realidad ng buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagb...

Ang Aking Pag-ibig: Tulang Pandamdamin Mula sa England

Image
  ANG AKING PAG-IBIG Tulang Pandamdamin Mula sa England Magandang araw,  mga mag-aaral. Lubos ang aking galak narito na naman kayo sa aking blog  upang makapulot ng bagong aral. Binabati kita sa masipag mong pag-aaral.            Ang blog na ito ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italy na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago . Bahagi rin ng blog na ito ay ang pagtatalakay sa kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pag-unawa sa tula na tatalakayin gayon din ang paraan ng paglalarawan nito. ALAM MO BA?      Ang TULA ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.       May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko , tulang pasalaysay , t ulang padula at patnigan ....